Sabi nga sa Nightwatch: "Wine is good for the heart, vodka is for the soul."
Hindi lang sa droga nasusugapa ang tao. Pwede rin sa alak o sa libro.
Kung pagsabayin kaya ang pagkasugapa sa vodka at libro, anong mangyayari?
Kanina pa rin sa pagbabasa ng Nightwatch, nandaya ako. Tumalon ako sa huling pahina. Nakasulat doon ang palugit nang ginawa ni Lukyanenko ang libro: January to August.
Gagayahin ko ito sa aking project: November 1 - December 1. Pero iba ang kwento sa palugit na ito DAHIL November 1 ko ginawa ang kabuuan ng kwento. Pagkatapos ay kinalimutan ko na ito at hinarap ang buhay sa loob at labas ng iskwelahan. At kanina bago ko pa man maidilat ang aking mga mata mula sa pananaginip sa nagdaang gabi, naalala ko, "SHIT! December 1 na pala ngayon. Deadline ng aking kwento." Kaya December 1, saka ko muling hinalungkat ang file ng aking kwento sa hard disk at isinagawa ang final editing.
November 1 - December 1. Ang dalawang tanging araw na tinrabaho ko ang project. Ang dash (-) nagpapatunay na ito'y sadyang puwang lamang talaga. As in, BLANK.
Kahapon narating ko na ang kalahati ng Daywatch. Gumawa ako ng malaking desisyon na huwag ito isilid sa aking backpack dahil hindi pa ako handang tapusin ang kuwento ng second installment samantalang hindi ko pa naaangkin ang una sa trilohiya. Pero siyempre, makalipas ang ilang oras naibili ko ang sarili ko ng Nightwatch, na sinimulan ko rin kaagad.
***
Trilohiya. Nakakaloko ang mga trilohiyang na-e-encounter ko. Nakakagago, pero gusto ko.
'Yung Twilight trilogy ni Stephenie Meyer, may 4th book na next year.
'Yung Maximum Ride ni James Patterson, may 4th book na rin next year.
Kaya baka pagkatapos din ng Twilight Watch, meron na ring 4th installment si Lukyanenko.
***
Usung-uso na ngayon ang raket na book-to-film. Lalabas na rin next year pati ang sa Twilight at Maximum Ride. Nakakainis manood pag nabasa mo na ang libro, unless na hindi ka manood. Pwede sigurong hindi nga ako manood. Problema ko na yun. Pero mas nakakainis na magustuhan mo ang pelikulang hinango sa libro nang hindi man lang nababasa ang libro. Ang phony, tae. Kaya hindi ko magawang panoorin ang Beowulf. Gaya ng nangyari sa Eragon. Hindi ko natapos ang libro. Na-spoil na ng pelikula. Wala, ayawan na. Bukbukin ka na diyan sa bookshelf.
***
Pinaghahandaan ko ngayon ang Cirque du Freak series marathon para sa Christmas break.
***
Ayoko muna ma-infect ng rabies sa Rant ni Chuck. Kailangan ng ibayong pagsasanay at sapat na lakas para basahin si Chuck. Na-drain ang reserves ko nang mapagtagumpayan ko ang Haunted. Kaya sa summer ko na lang ito babasahin. Hindi pa pwede ngayon.
***
Target ko rin ang Hannibal series. Siguro pagkatapos ng Rant, sa summer din.
***
Hay naku masama ito. Panay plano na naman ako. Pag namatay ako mamaya, wala na.
0 comments:
Post a Comment