Tuesday, December 18, 2007

Luha Ng Isang Puyat

Naiiyak na ako sa antok. Unti-unti nang bumibigat, bumabagsak ang mga mata ko. Hindi na ako kasi sanay sa puyatan sa exams.

At meron pa bukas... graaaaaaaa!

Tapos the worst thing happened. Kanina ko lang umaga nalaman na dalawa na pala ang i-o-oral rep sa 132. Holy shit. Hindi ko pa nga naayos yung sa "Effect of Cold Temperature", pati "Effect of Cadmium" kelangan na. Hindi ko pa talaga binasa man lang nitong weekend. So, nag-skip ako ng lec. Nag-quiz, as usual. Five items. Tae talaga pero wala na akong pakialam. Maanong ma-miss ko yun, kahit umattend ako ng klase hindi ko pa rin naman masasagutan yung quiz. Hindi ako nakikinig sa lectures. Palagi akong preoccupied, mapa-cramming of other subjects o plain boredom.

Joke ng tadhana, hindi natuloy ang oral report sa effect of cadmium. Half-thankful na rin kasi walang kwenta yung discussion ko. May hypothesis ako pero wala akong nahanap na evidence to support my claim. Alangan namang mag-imbento ako. Ang kapal naman ng mukha ko kung manggagago ako ng instructor.

Anyway, ang surprise ng tadhana, ako pa ang finale sa oral report. Kahit sa random selection, ako pa rin ang nahuhuli. I was cursing under breath while on queue. Makailang beses ding nag-droop ang eyelids ko sa antok, pati tuhod ko nanlalambot na. Wala pang kain mula umaga, mag-a-alas tres na. Sabayan pa ng matinding pressure, tense, kaba, nerbyos, stage fright, at kung anu-ano pang kawalang-self-confidence. Para akong sirang plaka, paulit-ulit na sinasabing, "hindi ako handa". Pero I doubt kung may naniniwala. Kung sa forwarded txt message ni Karen, "You can easily give somebody an advice but you can never speak for yourself when you follow your own advice," saken, "You can never speak the truth for yourself." Pero ang totoo n'yan, kasalanan na ng iba kung ayaw nilang maniwala. Basta ako sinasabi ko, hindi ako prepared. Shit. Kaya nang ilang minuto na lang before my turn, sabi ko sa isang kaklase, "Tutal e experiment naman ang irereport natin, e di mag-e-experiment na rin ako ng pagrereport. Ad lib. Impromptu. Kapirasong papel na kodigo. Ang laman? Dalawang pangungusap para sa Introduction at tatlong pangungusap para sa Discussion. Five-minute oral report. Tantya ko'y, humigit-kumulang tatlong minuto ang aking crammed oral report. Basa lang ng basa kung ano ang nilagay sa slide. Buti na lang hindi naman tumitingin sa akin ang instructor namin, sa halip, nakatutok ang kanyang pansin sa powerpoint presentation.

Ang verdict? Kulang lang ng statement of redemption sa Conclusion. Kasi, sabog ang result. Inconclusive. Pero sabi ng instructor, kahit papaano dapat daw banggitin din na sa ibang pag-aaral, mayroon namang tumama ang results at nakapag-prove sa theoretical na sagot.

***

May jinx ang group namin sa 120 lab. Lagi na lang may mali sa pinapaprint na lab report. At lagi na lang at the very last minute pa talaga. 1st labrep, minus 5 points. 2nd labrep, minus 10 points. 'Nyeta.

0 comments: