Wednesday, December 12, 2007

Self-Proclaimed No.1 (Phenomenal) Fan ni Stephenie Meyer

Cirque du Freak Books 2 & 4 tsaka Silence of the Lambs ang hawak ko sa pila sa Powerbooks Mega-A kagabi pero dahil nakita ko ang mukha ni Stephenie Meyer sa cover ng READ (Official Powerbooks' Magazine) na nasa counter, bumalik ako sa mga bookshelf para isoli ang mga nasabing libro. Makalipas ang ilang minuto, bumalik rin ako sa Teen Fic section para pumili ng isang hardbound na libro na garantisadong magpapaabot sa quota na minimum of 1k to get the magazine for free!

Isinakripisyo ko ang Silence of the Lambs. Tutal naman, pwede ko naman ito mabili sa mga Booksale. Tsaka hindi aabot sa quota, sayang naman kung bibilhin ko yung magazine. P95 din 'yun. Gusto ko lang naman alamin ang balita tungkol sa Twilight quadrilogy ('Langya buong akala ko talaga trilogy lang 'to).

Wala rin naman masyadong bago. Nabasa ko na karamihan ng impormasyon sa website niya.

Bago ko damputin yung Rash, pinagpilian ko sina Chuck Palahniuk, Kurt Vonnegut, at Joyce Carol Oates. Tinangka ko ring hanapin si Sergei Lukyanenko para sana makumpleto ko na ang Nightwatch trilogy kaso walang Twilight Watch. Wala ring masyadong interesanteng libro sa Teen Fics section. 'Yung Rash, kasabayan pa ng Freshman ni Michael Gerber na binabalik-balikan ko noon sa NBS-North Edsa, dalawang taon na ang nakararaan. Yung huli, binili ko. Itong Rash kumbaga, wala naman sa Hotlist. Kagabi, nag-skim ako. Futuristic ang kwento. Pero ayoko muna basahin.

Sana makumpleto ko ang Cirque du Freak. Five MORE volumes to go!

0 comments: