Wednesday, February 13, 2008

Ora Pro Nobis (Fight For Us)

Sabi ni Karen, hindi raw ito yung pinapalabas na pelikula tuwing Mahal na Araw.

Ito yung pelikula tungkol sa naging kapalaran ng mga rebelde laban sa militar matapos ang EDSA I na sinulat ni Jose F. Lacaba (ang paborito umanong manunulat ng titser ko sa PanPil 40, na paulit-ulit niyang pinupuri dahil sa husay at angking galing nito na napatay sa pamumundok... insecure siguro ang mga killer niya!) at dinirehe ni Lino Brocka (na sa ngalan ko lamang kilala, pero alam kong kapita-pitagang direktor)

Ayon sa nagbigay ng background sa pelikula ng organisasyong may pakana ng filmshowing, ang NNARA-Youth, hindi raw pala ito ipinalabas sa publiko dahil hindi pinayagan ng MTRCB.

Masyado raw kasing subersibo.

Bwakanang mga authority talaga yan. Kung ituring ang mga tao'y parang ipot lamang sa lipunan. Para bang walang kakayahan ang bawat isa para sa objektibong panonood.

Bakit ang pop sa kanyang sari-saring midyum ay talamak sa lipunan pero kung patawan ng rating, sa pelikula halimbawa, R-13 o R-18 lamang?

May mga basurang pelikulang kombinyent na naipalalabas sa mga shopping mall. Entertainment bang matatawag ang kapupulutan ng panay kamundahan? Maanong magpalabas ng pelikula na magbibigay ng pagkakataon sa manonood na mag-isip? Mag-reflect? Na hindi lamang magbibigay ng panay entertainment?

Bakit, yung mga basurang pelikula bang 'yon e nakapagbibigay-kasiyahan? Nakatutuwa bang manood ng *subconsciously* nakakabobong palabas? Enjoy bang panay oblivion ang nilalatag sa mata ng manonood? Na pagkatapos ng pelikula, ay manhid na ang manonood... niligaw, niloko, pagkatapos ay nilito sa loob ng isa o dalawang oras na pagtigil sa sinehan...

This is bullshit and it's sickening because this is totally fucking real. We're all slaves by the rules... rules set by the invisible oppressing power.

***

Saktong-sakto ang panonood ko dahil malapit na ang anibersaryo.

Habang pinapanood ko ang pelikula, naramdaman ko ang naramdaman ni Rutchel kagabi, o kaninang madaling araw, matapos manood ng UP Fair.

Tumatagos sa buto ang lamig... at ako'y kinikilabutan... ang dibdib ko'y naninikip... nahihirapan akong huminga... may mapusok na damdaming nagbabadyang pumakawala mula sa loob... na ginagatungan ng brain cells ng kanang bahagi ng aking utak... gusto kong sumigaw.. gusto kong mag-huramentado!

Kapangyarihan... pananamantala... karahasan... dugo... laman... winakasang buhay...

Gusto kong makipaghiganti. Gusto kong makipagpalitan ng mura. Gusto kong makipagbarilan. Gusto kong makipagpatayan. Gusto kong dumanak ang dugo, gumulong ang mga ulo, magpatung-patong ang mga bangkay... nilang mga.. praning... nilang mga.. bully... nilang mga.. @&#*!!



Kaya ba ipinagbawal ng MTRCB ang pagpalabas ng mga ganitong pelikula dahil naisip nila ang mga audience na katulad ko (o ang lahat ng attitude ng tao, e katulad namin ni Ned)?

0 comments: