Wednesday, February 13, 2008

P9.50

P9.50

isang araw na suweldo ng magsasaka sa hacienda luisita

P9.50

isang sakay sa Ikot at dalawang yosi

P9.50

sunog ang balat, tagaktak ang pawis, pagod ang katawan


P9.50

mas mahal pa ang kanin sa McDo

P9.50
P9.50
P9.50

nakakikilabot
puso ko'y sinaklot

iba pa rin pala talaga pag sa bibig mismo ng kakilala mo narinig ang kwento. ang kwento ng mainit na isyu noon sa Kule.

bago magsimula ang Ora Pro Nobis, tinanong ko si Karen sa kanyang mga karanasan sa kanyang organisasyon. ika ko'y gusto ko ring makaranas nang makipamuhay sa kabukiran kasama ang mga magsasaka. gusto ko makitanim. pangarap ko noon maging magsasaka. sa elementary, nang mauso ang slum notes sinusulat ko noon sa "ambition" ay "doctor, astronaut, or agriculturist". pero noong first year college sa paglobo ng pride ko, tumindi ang pagnanasa ko maging magsasaka.

hindi siya nakasama sa Hacienda Luisita. pero may nabanggit siyang kwento.

saka nagsimula ang pelikula.

------------------------------------------

nang matapos ang palabas, nilalamig pa rin ako (malamig kasi sa AVR). habang sakay sa jeep kinikilabutan ako. hindi maalis sa isip ko yung kinuwento ni Karen na kwento ng kanyang mga kasamahan na nag-"BMI" sa Hacienda Luisita. tumulong sila sa mga magsasaka sa pagtatanim. buong araw. P9.50 ang sahod. buong araw. ika nga niya'y, wala pa yun sa baon namin. parang pamasahe lang. binigay nung mga kasamahan niya sa tinulugan nilang pamilya ng magsasaka ang kinita nila. nang makalampas kami ng Philcoa, may bigla na lang tumulo na isang patak ng luha sa kanang mata ko.

isang butil ng kinukuyom na galit.

nang mangamote ako sa result ng exam sa 119 nung martes, dinaan ko lang sa Rakestra. siyam na oras na oblivion sa musika ng mga banda at sira-ulong crowd, katabi ng mga panatiko ng boybands (pity the pathetic ones), SOLB. naiyak ba ako? siguro sa ekspresyon. nag-alala kahit papaano.

superficial kumpara sa naramdaman ko kanina. ewan ko. kiling na ata talaga ang perspektibo ko sa buhay dahil sa kanang bahagi ng utak ko. hindi ko naman maugat ang pinagmulan. umuusok lang talaga ang ilong ko sa mga sitwasyong kasangkot ang kapangyarihan, kaalipinan, kalayaan... mga terminolohiyang ginasgas ng panahon at ng mga taong duda akong talos ang tunay na kahulugan ng mga salitang nabanggit.

gamit lang ng gamit ng salita nang wala namang malinaw na pag-unawa at higit sa lahat, pagpapahalaga sa mga salita.

parang sa Fair, punk-punkan, goth-gothan... hanggang panlabas lang naman pala. fashion, my ass. ang kokorny n'yo, tsong. musikang pa-under-underground, sa mainstream din lang naman mauuwi. nasaan ang commitment sa salita?

word of honor o whored honor?

kung kay Holden pa, phony.

at sa tulang nabasa ko kanina sa exhibit, "goth moths and goth bees".

From the Viola Scrapflies Book of Quotes: "Sa buhay ng tao, korni ang magpakyut."

***
all i really wanted is to be just me. not any evil of some sort. it wouldn't be me. it would be what i wanted to be and not what i am supposed to be.

be me.

if i'm thinking of becoming a recruse sometime in the future, i might just as well live among these belittled people in the rural. people purer and more humane than anybody else outside.

sasama ako sa mga kuko ng liwanag. only, it will never be the same again. we won't be the "mga kuko ng liwanag" anymore. remember that, piglets --- pigs of the future.

0 comments: