Friday, January 12, 2007

Abelmoschus esculentus-y

Kanina ko pa yan pinipilit i-memorize. Linsyak na okra yan, ke-hirap-hirap tandaan ng scientific name.

Mang-o-okray na lang ako.

Ilang beses ko na nasasakyan yung dyip nung drayber na mukhang tatay ni Gori sa Slamdunk. Kagabi, kumbinsido na ako na siya nga talaga ay isang bakulaw. Parati, sa likod mismo ako ng drayber umuupo sa dyip, kaya kagabi napagmasdan kong maigi ang kanyang mukha. Makakapal, na medyo naka-slant, at halos magsasalubong na ang kanyang mga kilay. Ang kanyang balat ay kayumangging kaligatan na sinunog na maigi sa ilalim ng matinding sikat ng araw, tipong alas dose ng katanghaliang tapat. Malaki ang kanyang mga braso, leeg, ilong, at kabuuan ng mukha. Sa madaling salita, mapangit sa mapangit siya sa aking panghuhusga.

Nung isang araw naman, mga alas kuwatro ng hapon, nakakita naman ako ng binihisang gorilya. Nung nakatalikod siya sa akin, ambangu-bango niya, ang gwapu-gwapo niya, ang linis-linis niya. Pusturang-pustura. Nung humarap na siya, ayun. Nakita ko sa mata niya, sa malaki niyang ilong, sa hugis ng kanyang mukha... yung gorilya sa patalastas ni Tito Aga tungkol sa isang gamot sa TV. Nanghinayang ako sa maputing polo at mga palamuting nakayakap sa kanyang katawan at katauhan. Ampangit-pangit niya.

Dahil may mga unggoy, hindi magpapahuli ang saging.

'Yung mga alaga ko ngayon sa bahay, kaybilis magparami. Pero napansin ko kanina, kayrami palang mga batugan sa kanila. Akalain mong mga nakatambay lang sa gilid ng garapon ang mga kumag. Nang katukin ko't yugyugin, biglang mga nagsilagpakan sa bulok na balat na saging. Mga patay na pala... ang mga alaga kong Drosophila a.k.a fruitfly. Pero kahit pa nga alaga ko sila, hindi ko naman sila kinilingan sa kanilang environment. Umaalingasaw na sa bahay ang nabubulok na mga balat ng saging na kanilang pinagpipiyestahan. Ibang klaseng trip din. Wa-class nga lang. Ayaw nila ng sariwang balat. Mga yakidiri ang taste!

Sa ngalan ng Eragon na hindi ko pa natatapos pero gusto ko nang panoorin, ng pinakaiibig kong si Edward, at ng lahat ng mga librong nilamon at lalamunin ko pa lang bukas at sa darating pang mga panahon, nawa'y patawarin ako sa lahat ng aking mga pinuntiryang angkan ng dakilang Bunyip sa Sapang Berkeley.

0 comments: