Friday, January 12, 2007

Suki Ng Filipiniana Section Ng Main Lib

Isinoli ko na kanina sa Main Lib yung Relasyon. Noong isang taon ko pa yun sinimulan at tinapos. Nandoon uli ang Kasal at ang Minerva.

Apat na beses ko nang binasa yung maikling kwentong, Kasal. Nung una ko itong mabasa, umiyak ako. Nung ikalawa, lumuha. Nung ikatlo't ikaapat, may talab pa rin.

May hihiramin din dapat ako kanina para iuwi kaso Room Use lang daw. Andun yung 31 Disyembre 1985 ni Eli Rueda Guieb III. Binasa ko uli.

Itong 31 Disyembre 1985 ang paborito kong maikling kwento sunod sa Utos ng Hari ni Jun Cruz Reyes. Astig talaga ng laman nung storya! Ang galing ng mga usapan at batuhan ng puns. Sa loob ng 20 minuto, nakawala na naman ang kaluluwa ko.

Refreshing.

0 comments: