Friday, January 12, 2007

Balitang Krispy Kreme

May Krispy Kreme na sa Pilipinas.

Yipppeeeeee!

Nakaanunsyo sa isang higanteng billboard ng Megamall.

Yipppeeeeee!

Naalala ko yung eksena nung Matronang kasama ni Santa Claus sa loob ng tindahan ng Krispy Kreme sa Burlington:

Matrona: What's inside that? (pointing to the blueberry-filled doughnut labeled as such in the display)
Tindera: Blueberry
Matrona: I don't like that (bulong kay Santa Claus)
Naghananap ng iba. Bigla...

"Oh, tsuko-let!"
At siyang inorder ni Matrona. Ang trying-hard kong lola. Nagdudunung-dunungan, sablay naman sa pronunciation. Juice-ko-po-pineapple!

Sa ngalan ng Eragon na hindi ko pa napapanood, ni Edward na aking bampira, at ng lahat ng mga librong binasa at babasahin ko pa lang, siya'y aking buong pusong itinatakwil sa harap ng saksi kong buong cyberspace!

Nakakawalang-ganang tuloy bumili ng Krispy Kreme.

0 comments: