Friday, January 12, 2007

Luka-Luka Kay Edward

Namimiss ko na si Edward at ang kanyang mala-bangkay sa lamig na katawan... ang samyo ng kanyang tuxedo... ang kanyang matitigas na kalamnan sa dibdib at braso... ang matatalim na pangil ng kanyang mapuputing mga ngipin... pati na ang kanyang itim na Volvo...

Ako talaga si Bella, maniwala kayo. Bigkasin n'yo ang aking pangalan ng patabingi ang bibig, palamutian ng sobrang kaartehan, gawing silent O, at gawing parang nasusuka kunwaring magsalita...
Bella.
O, diba?

Hindi ako hopeless. Hindi ko rin kailangang magmadali. Lalong hindi ko aapurahin si Edward. Amin ang buong eternity. Sabi nga nila, "Age doesn't matter." Age would never matter talaga sa aming dalawa. Pakialam ko kung otsenta na siya. Technically naman, e seventeen pa lang siya pati na ang kanyang kerubing mukha. Pero dahil inalok mo si Bella (ako nga 'yon, maniwala ka sabi) ng kasal, ipaalam na natin sa Cullens. Sigurado namang mas ma-e-excite pa sila kesa sa ikakasal. Pero bago pa man simulang planuhin ang seremonya...


O, here you go. Grab my neck. I'm offering you my throat.

O, ano pang hinihintay mo? Take a bite, na.



(Kinilig na naman kasi ako kanina dahil binalikan ko ang page 540 ng sequel ng Twilight ni Stephenie Meyer, ang New Moon.)

0 comments: