Pwede ko palang ihambing sa paggamit ng droga ang aking reading habit.
Bagamat laging "high" ang pakiramdam sa tuwing natatapos ko ang isang libro, lalo na sa isang upuan lang (isang pot session), hindi rin naiiwasan ang tinatawag na "bad trip."
Gaya kanina. For the nth time (I lost count already), hindi talaga maabot ng aking panghinuha ang panulat ni Sir Fyodor Dostoevsky sa kanyang Notes From the Underground, The Double, and Other Stories na dalawang taon ko nang tinatangkang basahin. Hanggang Introduction lang ang nabasa ko PERO hindi ko pa natapos. Tinulugan ko na lang habang nasa biyahe. Sumasakit ang ulo ko. Idagdag pa 'yung mabentang katagang "nose-bleed." Para tuloy gusto kong isipin na nagbabasa ako nang TEXTBOOK.
Isa pa rin sa mga challenging na libro (para sa akin) e 'yung Seymour: An Introduction ni J.D. Salinger. Technically, kalahating libro siya kasi 'yung unang part eh yung Raise High the Roof Beam, Carpenters. Wala naman akong problema kay Buddy Glass sa pagkukwento niya roon.
Isama mo na rin ang The Fellowship of the Ring (The Lord of the Rings) na kauna-unahang nag-K.O. sa akin (literally) habang nasa page four (iv) pa lang ako ng Intro. Langya talaga. Nakatulugan ba naman.

0 comments:
Post a Comment