Wednesday, June 6, 2007

Ragnarok Offline

Maraming dahilan ang taong puyat --- trabaho, negosyo, iskwela, lakwatsa, insomnia, problema sa pera, problema sa pag-ibig, problema sa trabaho, problema sa iskwela, problema sa pamilya.

Dalawa lang ang dahilan ko para mapuyat --- librong KAILANGANG tapusin at TV (asianovela o anime) marathon.

PERO nitong nagdaang Martes, habang kinakalkal ang inaalikabok na bookshelf na nagmistulang tambakan ng sari-saring bagay --- mula sa sewing kit, music cds, dvds, payong, scratch paper, basahan, notebook, watercolor, buto ng pusa, etc. --- para maghanap nang pwedeng mapaglibangan, aksidente kong nahugot ang nakasupot na installer ng isang pc game. Tatlo o apat na taon na mula nang bilhin ko ito, kasama ang nanay at kapatid ko sa Greenhills. Sinubukan ko nang walang anumang inaasahan at PRESTO gumana pa!

Sa loob ng tatlong araw, humigit-kumulang 20 oras ang naigugol ko para makamit ang sumusunod na mga datos:

OLAPIKA
Job: Assassin
Level: 47/77
Stat: pure Agi
(99+10)
Weapon: Jamadhar (katar)
Is Wearing:
immortal padded armor
(credit to Cornutus card)
ball'n'chain
wise goggles (credit to Willow
card)
flu mask
teleport clip (credit to Creamy card)
rosary

VIOLA_FLIES
Job: Crusader
Level: 28/59
Stat:
Strength (54+5) / Vitality (59+3)
Weapon: Claymore (Two-handed sword)
Is
Wearing:
Full plate
Light sandals
Santa hat
Goblini mask

HOLY VIOLA
Job: (Battle) Acolyte... soon a Monk!
Level: 32/44
Stat:
Vitality (32+2) / Dexterity (49+2)
Weapon: Dexterous Morning Star (credit to
Drops card)
Is Wearing:
Lucky Saint's Robe (credit to Poring
card)
Hood
Biretta
Sandals
Rosary

TARGET ko sa darating pang panahon na makalikha rin ng isang Wizard. Matagal ko na itong pangarap... mula pa noong ONLINE days. Kaso lang hindi ko alam ang tamang STATs. Di bale, kahit nga itong Acolyte ko eksperimento lang.

Pagkatapos, gagawa rin ako nang Dancer. Tsaka, Rogue. Tas Huntress. Pati Alchemist.

Pag kaya pa, gagawa ako ng isa pang account. Ang gagawin ko naman: Bard, Knight, Rogue, Assassin, Crusader, Monk, Hunter, Priest, Alchemist.

IN SHORT, lahat susubukan kong gawin - sa babae at lalaki. Ang ULTIMATE goal ko, mapa-level 99 lahat.

PAG buhay pa ako pagkatapos no'n, saka ako magpapayaman. Tig-i-isang milyong zeny bawat isa, AT LEAST.

PAG nalampasan ko pa rin 'yon, saka ako mag-sa-summon ng monster sa pamamagitan ng mga naipon kong Dead Branch.

PAG hindi pa ako nakuntento, makikipaglaro ako sa mga monster sa mga kilabot na dungeon, partikular sa mga lugar na: Glast Heim, Comodo, Yuno, Gon-Ryune, Magma,...

BWAKANANGTAE, ANG SARAP MANGARAP!

0 comments: