Tuesday, June 5, 2007

Propaganda

"The felt unreliability of human experience brought about by the inhuman acceleration of historical change has led every sensitive modern mind to the recording of some kind of nausea, of intellectual vertigo. And the only way to cure this spiritual nausea seems to be, at least initially, to exacerbate it (Susan Sontag)." - Mercy, Unbound by Kim Antieau

ANO RAW?

Sa dilim, nakita ko ang liwanag.

Nang ako’y mahiga para matulog, saka ako nagising.

Sa pagpuntirya ko sa mga lumpen, buhay ko'ng nahungkag

Ngayon ako’y nalilito, naliligaw, at nagmumukhang-tanga

"Just as a man does with his inner feelings; he covers them with the ashes of his life, which he calls indifference, so that they may not be deadened by daily contact with his fellows." – The Cancer of Society by Charles Derbyshire

Walang perpektong buhay pero merong may magandang buhay. Perpekto na rin yon.

Meron bang kagandahang malilikha mula sa kapangitan?

Kung meron, para saan ang logic?

Kung wala, para saan pa’t patuloy akong nabubuhay? Sampu ng mga kagaya kong walang kwenta ang buhay dahil:

1. walang direksyon ang buhay

2. walang pangarap na katupad-tupad o yung tinatawag na realistiko

3. walang moral support

4. walang spiritual faith

5. puta’ng buhay (alipin ng pera: pinapakain, pinapag-aral, at pagkatapos…ano na? magtatrabaho para sa pera.)

6. corny

Life’s a joke. Magpakasaya ka. Magpakaoptimistiko ka. Mahalin mo ang buhay. Ngitian mo ang mundo. Kaibiganin mo lahat ng tao. Pero sa huli, labas mo, gago. Hindi naman pala kasi totoo. Ang pangit pa, alam mo naman sa simula. Corny talaga.

Bullshit. May titser na hindi nagtuturo. May doktor na nagnanars. May nag-aaral para makapag-abroad. May pulitikong nangungurakot. May pulis na nangongotong. May security guard na lampa. May artistang kumakandidato sa eleksyon. May paring pedophile. May machong bading. May putang may HIV. May mabait na may cancer. May writer na walang pera. May matalinong nabaliw. May lumayong namundok. May killer na nagtitinda ng lamang-loob ng kanyang biktima. May estudyanteng ayaw matuto. May palikurang out-of-order. May tawirang hindi nakamamatay pero hindi tinatawiran. May No Loading/Unloading sign na walang kahulugan ang “No”, may halalang dayaan, may maprinsipyong inambush, may mayamang lalong yumayaman, may mahirap na lalo pang naghihirap.

Anong klaseng kapalaran/kamalasan meron ang Pilipinas? Bakit ganito ang mamamayan nito? Nasaan ang pinagpipitaganang kultura? Meron nga ba? Ilusyon lang ba sina Rizal, Bonifacio, Lapu-lapu, Sakay, Tandang Sora, Silang, Mabini, del Pilar, Kudarat, at ang iba pang mga bayaning naisulat sa kasaysayan ng bansa?

Nag-iisip pa ba? May pakialam pa ba? May naninindigan pa ba? May nagbabasa pa ba?

O puro txt, Friendster, youtube, videoke, malling, teledrama, PBB, at DOTA na lang?

Ibalik ang diktadurya. Palaganapin ang mga -ismo.

Democracy my ass.

Kung hindi mo pasasabugin ang mga building, walang papansin.

Masa-masa.

Walang kwentang masa.

"This country is a pickle vat and I don’t want to be marinated in this filth anymore. Like the lotus flower, I came out of the mud but will not be soiled by it." – The Crazed by Ha Jin

0 comments: