15. Nancy Drew Mystery Stories - Carolyn Keene
Crush ko si Ned. Submissive kay Nancy. Bibihira ‘ata ang ganon.
14. The Crazed - Ha Jin
Dito nanggaling ang deskripsyon ng aking Friendster blog:
“Useless scholar and lifeless bookworm”
Binasa ko ‘to ng April 2007. First day of summer class sa Physics. Lecture room. Sa likuran ako nakaupo, sa tabi ng aisle. ‘Yung nakaupo sa kabila ng aisle, bigla na lang tinawag ang aking pansin at hiniling na makita ang libro. Ang libro ko. Ang librong binabasa ko? Sinenyas ko. Tumango siya. "Oo." Iniabot ko naman bagamat may pag-aalinlangan at buong pagtataka. "Maganda ba?" Aba. At talagang nahiwagaan ako sa kanya. "A, oo. Oo, maganda." Buong pagmamalaki ko bagamat hindi pa ako umabot sa kalahati. Binuklat-buklat niya ito. Pagkatapos, tiningnan niya ang likuran. "Ha-jin," bigkas niya. "Koreano?" Tanong niya. Natanga ako. "Ha? A, hindi yata. Parang Chinese." "Oo. Chinese nga." Pagliliwanag niya. Makaraan pa ang dalawang minuto, sinoli niya na at nagpasalamat. Napangiti ako. Hindi ko inaasahang may mga tao pa rin palang interesado sa non-textbook ng kapwa nila. Lalo’t hindi naman magkakilala. Sa loob-loob ko, nakanang may crush yata saken ‘to.
13. Veronika Decides To Die - Paulo Coelho
Nang mga panahong binasa ko ang librong ito, nag-aalanganin pa ako sa stand ko sa radikalismo at resistance to conformity kaya laking ginhawa ko nang matapos ko ito.
12. Sleepers - Lorenzo Carcaterra
Napabago nito ang pagtingin ko sa mga awtoridad. Mula nang basahin ko ‘to, nawalan na ako nang tiwala at pagkilala sa kanila.
11. The Devil Wears Prada - Lauren Weisberger
Matapos kong basahin ito, nagsimula ako mangarap na maging contributor sa isang magasin o columnist sa isang pahayagan.
10. Harry Potter series - J. K. Rowling
Ang pitong libro nito’y lahat regalo sa akin ng mga kapatid ko, kung hindi sa birthday, christmas. Ang Book 1 ang pinakaunang libro ko sa hayskul. Pinakagusto ko ang Harry Potter and the Prisoner of Azkaban.
9. Etsa-Puwera - Jun Cruz Reyes
Naintimidate siguro ako sa kapal ng libro nito kaya nakailang failed attempt ako. Isang mahaba-habang kasaysayang buhay. Anti-kolonyalismo. Pro-katutubo. Sa mga ganitong akda, lalo akong napapamahal sa bayan ko.
8. The Count of Monte Cristo - Alexandre Dumas
Binasa ko ‘to para malaman ang katotohanan. Kung copycat si Rizal (hindi!) o hindi sa kanyang El Fili. Buti na lang at naging objective ako kaya nasagip ko pa ang aking dignidad. Habang binabasa ko ng librong ito, pakiramdam ko napakabuti ko. At napakaromantiko. Tungkol sa nobility. Dapat siguro’y ulit-ulitin kong basahin ang librong ito nang sa gayon ay parating maaliwalas at magaan ang aking pakiramdam. Baka sakaling hindi na ako muli pang magiging malungkot.
7. Hard Love - Ellen Wittlinger
Two teenagers. Both passionate with writing. Together they met and went on a journey to the writing camp of some sort. Guy falls in love with girl. Only, the guy is straight and the girl is lesbian. The wonderful thing is that, in the end, love lost. The girl ran away with another lesbian to NY. The guy returns to his hometown alone. Novel isn’t it? Not your typical and-they-lived-happily-ever-after kind of story. Favorite quotes:
“I want to escape from inside the person my parents have tried to manufacture.”
“Why not? Sleep less.”
“They’re not like those some trashy songs you probably listen to in the radio.”
6. Twilight trilogy - Stephenie Meyer
Vampire-human-wolf love triangle. Human girl falls in love with vampire. Abstained vampire couldn’t resist the smell of the sweetest blood of the human girl. Human girl also an accident-magnet. Gorgeous vampire falls wrongly in love with human girl. Human girl wants to become vampire. Enters the Wolf boy with a story as ancient as I don’t know what on the truce between vampires and wolves. To break the truce, vampire has to kill a human, and the wolf will automatically, in turn, kill the vampire. In conclusion, Bella is the conflict. I wonder what would happen next. A fourth book is set to be released on Fall 2008. Regardless, only one thing matters. Edward is so irresistibly beautiful.
5. Maximum Ride trilogy - James Patterson
Six transgenic humans. Half-avian. Winged mutants. Each with different and unique skills. Together they fought to escape the School.
Fine. Crush ko si Fang.
4. Sa Mga Kuko ng Liwanag - Edgardo M. Reyes
Sayang at hindi na namin nagawang talakayin ito sa klase noon sa Humanidades (Summer 2005). Hindi ko na rin ito nagawan ng book review for bonus points. Nag-aalab ang aking damdamin nang mga oras na iyon at hindi ako makapag-concentrate. Saka sa takot na rin na baka hindi ko mabigyan ng justice ang napaka-rare at novel na damdaming sumibol kaya hindi na ako nagpumilit pa. Noong tinatayo pa lamang ang pundasyon ng Tri-noma, tumitindig ang balahibo ko dahil naaalala ko ang mga pangyayari sa librong ‘to. Pati na rin noong ginagawa pa lang ang mini-skyway papuntang Batangas City Port. Basta sa tuwing nakakakita ako ng construction worker. Halong emosyon ng pagkaawa at pagkamuhi. Kung babasahin ang aking mukha, nakapinta nang pulang-pula at in bold letters pa ang anti-imperyalismo.
3. The Foretelling - Alice Hoffman
Feminismo. Poetic ang dating sa akin ng mga salita. Para akong “high” nang binabasa ko ito. Ang ganda ng narration. Mahusay ang description. Dito naramdaman ko ang pag-ibig. Favorite and THE BEST ROMANTIC quote:
“I know I cannot have you. So I’ll take a brother instead.”
Magkaibang tribo. Amazona at nomad.
2. Mercy, Unbound - Kim Antieau
Hardcore ‘tong YA fic na ‘to. Isang linggo akong na-derange at nagskip ng meals. Mga di-malilimutang araw na dalawang yogurt lang buong araw ang kinakain. Bigla akong nawalan nang gana. Lumitaw ang panibagong anyo ng depression. Nang maliwanagan ako sa tulong ng isang may mabuting pusong nagmalasakit, dinner ang kauna-unahan kong naging meal. Dito rin nagsimula ang konsepto ko ng liver advocacy, kaugnay na rin ng diskusyon sa metabolism sa kinukuha ko noong Biochemistry class. Sa simula kasi, aakalain mong childish lang ‘yung bida. May problema sa pagkain yung bata. Hindi kumakain. Buto’t balat na. Namumutla na. Isa raw kasi siyang anghel. Ako naman, hala sige tuloy lang ang basa. Kaya nga leisurely reading. Pagdating sa hulihan, nagkabukuhan na. Nagbreakdown pala ‘yung bata sa sobrang pag-iisip. Hindi kinaya ang sari-saring problema at isyu sa buong mundo na ikinukwento ng kanyang magulang. Traumatized. Naghanap ng escape. Naisip ang ideya ng isang anghel. Bakit hindi? Hindi na lamang siya isang tinedyer na walang binatbat. Sa pagiging anghel maililigtas niya ang sangkatauhan. Ang husay ng istilo sa pagpasok ng twist. Nagkabuhul-buhol ang utak ko.
1. The Catcher in the Rye - J.D. Salinger
Ito ang pinakaunang libro ko sa kolehiyo. Unang pahina pa lang, na-love-at-first sight na ako. Kaya hindi na ako nagdalawang-isip na bilhin ito. Ganito ang naging reaksyon ko habang nagbabasa: Sarili ko, ikaw ba ‘yan? Lalaki nga lang? Nagmistulang bibliya ng aking buhay. Ang pinaghugutan ko ng lakas para paglingasin ang aking angst. Apat na beses ko ito binasa. Paboritong quotes:
“Who wants flowers when you’re dead? Nobody.”
“You’re a student whether the idea appeals to you or not.”
“I talk loud whenever I get excited.”
Magic word: phony.
0 comments:
Post a Comment