Monday, October 8, 2007

Magbiro Ka Na Sa Lasing, 'Wag Lang Sa Sumpungin

Alas kuwatro ng hapon. Naalimpungatan ako.

MASAYA NA NAMAN ANG PINOY.

Nanalo si Pacquiao, ani announcer sa telebisyon sa baba.

Lintik! Tinulugan ko na naman ang Runaway. 2 in a row. Parang nakakaloko. Hindi naman pangit. Hindi rin naman boring. Malungkot pa nga. Astig.

Lintik times two. Hindi ko pa tapos ang mga papel.

Pero ang buhay nga naman, kapag sinabawan na

...iba ang lasa.

Friends na kami ni Stefan, ani isang virtual friendship community. Idol niya si Ginoong Vonnegut, gusto ko ang Slapstick or Lonesome no more at pareho naming gusto si Ned at ang kanyang sarkasmo.

Pero mas gusto ko siyang sakalin sa inggit at nakawin ang kanyang panulat. Hayop talaga. May libro siya. Buti pa siya.

0 comments: