Wednesday, November 21, 2007

May Sumubok Na Bang Mag-Book Marathon?

Napansin ko lang kasi, at kahapon ko pa iniisip, may nagmamarathon ng mga asianovelang piratang dvd na mabibili sa Quiapo, sa Philcoa, o kahit saang bangketa. May nagmamarathon ng TV series, halimbawa CSI, 24, Grey's Anatomy. May nagmamarathon ng anime series, gaya ng Naruto. At ngayon ngang magpipista ng patay, madalas kong mapansing may nagmamarathon ng sari-saring pelikula, nirenta man sa Global (dating Video City) o binili, mapa-peke man o mapa-original. Kaya naisip ko, bakit hindi ko subukan mag-book marathon?

Naisip ko magandang i-marathon ang series. Dapat yung book series na kapana-panabik para sustained talaga ang interes (ko). At hindi yung napaka-imposible (para sa akin) na gawin. Kaya ang napili ko na i-marathon, mula pa rin kahapon, ay ang Cirque du Freak (Vampire Blood series) ni Darren Shan.

Mayroon itong 12 series. Manipis lang bawat libro (kumpara sa mga tipikal na pocketbook...hindi yung romance novels na pocketbook!). Tingin ko'y hindi naman ako hihigit sa tatlong araw para tapusin lahat. Kung maalala ko, binasa ko yung isang libro nang minsang umuwi ako sa probinsya. Nung matapos ko, may isang oras pang biyahe akong nailaan para umidlip. Humigit-kumulang tatlong oras siguro iyon inabot. Kung susumahin, 36 oras (isa't kalahating araw) ang igugugol ko kung imamarathon ko ang series. Pero dapat kumain din ako in-between. At imposibleng umabot talaga nang tatlong araw dahil di naman ako isa't kalahating araw katagal na kakain. Ibang usapan na kung marathon sa pagkain.

Sa kasalukuyan, dalawa pa lang ang meron ako, Book 1 (A Living Nightmare) at Book 3 (Tunnels of Blood). Ang isang libro ay nagkakahalaga ng P289 (merong mas murang version, P249). Kung susumahin, P2988-P3468 ang kabuuang halaga ng series.

Anong gusto kong palabasin?

Kung bumili lang ako agad nung mag-sale ang NBS nationwide, nakamenos na sana ako. AT kung hindi sana ako nagpatumpik-tumpik nang makita kong P100 lang ito sa NBS Robinsons Galleria, e di sana LALONG nakamenos ako.

Moral of the Story: Follow your heart's desire.

Kelan ko naman balak gawin ito?

'Yun lang. Baka magaya na naman 'to sa SEMPLANG (sembreak game plan) ko.

0 comments: