Wednesday, November 7, 2007

Sintu-sinto Kamo, Hindi Pilosopo

Sikyu: Pssst...payong, pakiiwan.

Ayoko nga. (Walk-out)

Kung totoong malaya ka, kung totoong may sarili kang pag-iisip, kung totoong tao ka nga, hindi mo kelangan maging robot o puppet o marionette o tutang* kakawag-kawag ang buntot sa pagsunod sa amo mo.

(*domesticated kaya hindi na wild animal na Walang Panginoon)

Obedience ka'mo? Pauso lang ng mga nanggugulang 'yan.

Dun sa bibliya ng mga Katoliko, sabi nung demonyo kay Hesus, "Kung totoong anak ka ng Diyos, tumalon ka sa bangin para iligtas ng mga anghel ng iyong Ama."

Sabi nung isang pakialamerang kaibigan ng isang babae, "Kung mahal mo 'yang boyfriend mo, gawin mo lahat ng gusto nya. Magpaganda ka, mag-diet para sumeksi, etc."

Sabi nung kumare ng isang battered wife, "Kung mahal mo ang asawa mo, magtiis ka. Pagpasensyahan mo ang kanyang mga bisyo, etc."

Sabi nung commander sa kanyang batallion sa kanilang journey sa bundok, "Kung matapang kayo, barilin n'yo lahat ng gumalaw sa paligid!"

Kailangan ba talagang magpakagago ng mga tao para lang sa satisfaction ng iisang tao - yung nag-utos sa kanya - at masabing sila'y tunay ngang mga obedient na nilalang?

Kung tao nga talaga ang tao, alam na niya kung paano i-handle ang sitwasyon. Hindi niya na kailangang padikta sa ibang bwakanang pakialamero't pakialamera.

Dikta. Dikta. Dikta. Paano nga kaya talaga magiging tao yung tao kung ganyan?

Kaya anlabas tuloy ngayon mga tarantado't tarantada, panay mga tulala, parang mga adik - buhay, gumagalaw nga pero hindi naman gumagana ang utak dahil sa kemikal/ pandidikta/ pang-uuto impluwensya ng panlabas na puwersa.

Magtataka pa ba ako kung bakit maraming matatalino dahil nakapag-aral at mga bobo't tanga dahil hindi nakapag-aral, but then again not really?

Magtataka pa ba ako kung bakit matamlay ang Pilipinas dahil ang mga Pilipino'y hindi na nag-eexercise ng utak?

At magtataka pa ba ako kung bakit yung iilang natuto naman sanang mag-isip ay kung hindi namumundok para magsarili, eh sinasalvage na basta, o simpleng itinatapon sa psychiatric ward.

Neglect. Neglect. Neglect.

Negligence.

Bwakanang tae. Sawang-sawang-sawa na ako sa puro oblivion ng buhay.

Atat na ko sa tunay na aksyon. Ayokong mamatay na basta naging tuod at walang nasaksihan man lamang na kaganapan sa mga buhay sa mundo.

Ako raw ay pilosopo.

Sa loob-loob ko, kung hindi naman ako mag-pipilosopo (na ang ibig sabihin lang naman ay simpleng pagbuka ng bibig para i-relay ang mensahe ng aking utak AT hindi naman talaga yung tipong pang-Sophie's World), ako nama'y lalabas na gago't utu-uto.

Para saan pa na nag-aaral ako kung magpapakagago't utu-uto rin lang naman pala ako.

Pero andami rin namang nag-aral at nag-aaral tulad ko. Sila ba kaya'y ayaw rin pumayag gaguhin at utuin? Ewan ko. Malay ko.

Sabi nga sa isang tula, "Madaling maging tao. Mahirap magpakatao."

'Yan kase. Masaling lang ang aking damdamin ay para nang idinudukdok ang aking kukote sa inodorong apaw sa tae. Dagling tatahimik, titikom ang bibig. Pero sa loob-loob, may nagaganap nang World War III.

0 comments: