Thursday, March 15, 2007

Biogyugan, Mamayang Gabi Na!

From the Friendster Bulletin (posted by Ruthchel):

Write 10 of your classmates, wag munang tignan ang mga tanong

1. Ola

.

.

.

10. ...

Pag tapos ka na, sagutin ang mga tanong sa ibaba ---

*maganda/pogi ba si 1?

--- pogi. hahaha. joke. SIYEMPRE MAGANDA.

Nice one. Ako pa talaga ang number one. Salamat, mare.

Bakit nga ba hindi? Buong araw kami lagi magkasama pag TF --- mula 101, lunch sa Nismed, hanggang sa 140 lec. Naging regular ko na rin siyang kahuntahan sa 120 lab mula nang mapag-alaman kong nag-sub si Jun Cruz Reyes sa titser nila sa Panpil 50 (kung saan minsan akong nag-seat-in). Ang galing-galing niyang kumanta. Siya ang Shakira ng Bio. Horror queen din. Patok ang mga kwentong katatakutan niya. Tuloy, pati ako napapraning pagsapit ng gabi. Sabihan ka ba namang may posibilidad na tumira ang isang kaluluwa dun sa isang bakanteng kwarto ko sa apartment.

Mamaya na ang Biogyugan. Yea, parteh! Pero magwo-walkout din ako pagdating ng alas siyete y medya o alas otso. May important family affair. Penguin is coming to town!

Pupunta ako bilang si The Little Red Riding Hood. Sayang pala, dapat nag-usap kami ng mas maaga ni Ruthchel para magtugma ang costume namin. Kanina niya lang nabanggit na pwede siyang mag-wolf na pekeng grandma ni The Little Red Riding Hood. Pero astig din naman ang pirata. Naisip ko rin mag-Captain Hook.

Dapat natutulog ako ngayon. Na-drain ang energy ko sa pagbubuhat ng platforms at monoblocks. Kaya after lunch, nagpaalam na akong uuwi na. Pero malupit si Ruthchel, nagpaiwan. Walang kapaguran. Macho mama talaga!

Macho mamas.

Lahat kami iisa ang napansin. 'Yung mga babae ang nagbubuhat, yung mga lalaki ang nagdedecorate. Pero sa loob-loob ko, natuwa ako. Okey 'to. Hindi sinadyang nabaliktad ang role ng dalawang sari. Ibig sabihin, walang pagkakahon.

"Kamuning get me, get me."

Nawala ang sinat ko. Salamat sa strenous exercise ngayong tanghali. Kamakalawa, nagsusuka ako. May konting dugo. Sabi ko, mamamatay na ako. Kaya na-late ako dati sa 101 lab.

"Miss Fellores, where have you been? You're one hour late."

Buti na lang hindi ako pinalayas ng Prof. Kainamang estudyante.

Pero kagabi, tuluyan na nga akong nilagnat. Hindi ko nagawa yung Review Exercise sa 140 (pero ayos lang dahil wala rin naman palang gumawa sa klase). Gutum na gutom ako. Tinatamad ako lumabas ng bahay. Tsaka nag-da-doubt ako sa pagkaing bibilhin ko. Dahil sa 120 lab, lalo talaga ako napraning sa mikrobyo. Germophobic. Paranoid. Kaya nga hindi na ako masyado kumakain sa CASAA. Bagamat hindi rin naman ako nakasisiguro sa Kenneth's. Mas mukha lang malinis kasi. Sana lang.

Nag-settle na lang ako sa palagay kong pinakasafe. Sa pekeng pagkain. Instant champorado.

Hilung-hilo ako kahit maghapon akong natulog. Oo, may bagong ilaw na rin sa wakas sa apartment. Naikabit na kahapon ang bumbilya sa salas after ages. Pinsan ko pa sa Manila ang pinakiusapan ko.

Sinubukan kong magbasa. Hindi sinasadyang natapos ko 'yung libro. Shit ang galing ng Maximum Ride The Angel Experimement. Hindi na ako makapaghintay sa sequel (School's Out - Forever!) na available na rin naman kaya nga lang e hardbound sa NBS. Ito ang unang subok ko magbasa ng isang matunog na awtor. James Patterson. AT maapreciate sa ikalawang pagkakataon ang genre na Sci-Fi (sunod sa Slapstick Or Lonesome No More ni Kurt Vonnegut). AT ikatlong pagkakataong maappreciate ang sequels (sunod sa Twilight ni Stephenie Meyer. Siyempre una ang Harry Potter ni JK Rowling).

Ang husay naaaliw ako. Akala ko kasi, mutants sila na ayaw sa School (naalala ko na naman si Jojo Boy). Pero yung School pala, term lang nila sa Lab. Akala ko yung iskwelahan talaga. But it turns out na mas maganda pa rin naman pala sa inaasahan ko ang kwento. Ang galing talaga. Hanga ako.

Siyempre kinilig na naman ako. Crush ko si Fang. Natapos ko nang mga ala una yung libro pero natulog ako mga alas dos na siguro. At VOILA! Paggising ko, magaling na ako. I knew it. Nanghina na naman kasi ang soul ko.

Kanina lang naisip ko bigla na magkahawig ang Maximum Ride at Twilight sa isa't isa:

Max=Bella

Fang=Edward

Ari=Jacob

Parehong wolf si Ari at Jacob

Parehong may fangs si Fang at Edward.

Pinagkaiba lang mutants yung mga nauna.

0 comments: